Ano Ang Entrepreneurship: Kahulugan at Kahalagahan ng Isang Entrepreneur

Ano nga ba ang entrepreneurship? Sa simpleng pagpapakahulugan, ang Entrepreneurship ay tumutukoy sa paggawa at pagpapalago ng negosyo o ng mga negosyo upang kumita rito. Sa modernong panahon, ang entrepreneurship ay tinutukoy rin bilang isang hakbang upang mas mapaunlad ang mundo sa pamamagitan ng paglutas ng malalaking suliraning hinaharap nito. Halimbawa, pagsisimula ng pagbabago sa lipunan, paggawa ng makabagong produkto, at pagbuo ng epektibong solusyon.

Makakatulong din ito upang mapababa ang unemployement rates sa pamamagitan ng paggawa ng mga trabaho upang malabanan ang kahirapan. Entrepreneurship ang ginagawa ng mga tao upang mapasakamay nila ang kanilang mga pangarap at maging sariling direktor nito. Ito’y tungkol sa pagbuo ng sarili mong buhay. Walang boss. Walang mahigpit na schedule. Walang sinumang makakahadlang sa iyo. Ang Entrepreneurs ang may kakayahan upang simulan ang unang hakbang tungo sa mas magandang mundo, isang magandang mundo na kasama ang lahat.

Ano ang entrepreneur: Kahulugan ng Entrepreneur

Ang entrepreneur ay tumutukoy sa taong nagsisimula ng negosyo na may layuning gumawa ng kita mula rito. Ang kahulugang ito ng entrepreneur ay hindi malinaw ngunit, may magandang rason para dito. Ang entrepreneur ay maaring isang tao na nagbukas ng kanilang kauna-unahang online store, maari rin itong tumukoy sa isang nagsisimulang freelancer.

Ang dahilan kung bakit sila’y tinatawag na entrepreneur, bagama’t may ibang sumasalungat dito, ay dahil kaiba ang kanilang hinantungan sa kanilang sinimulan. Ang isang entrepreneur ay maaring nagsimula lang bilang dagdag kita o pang-sideline ngunit, sa katagalan ay humantong upang bumuo ng isang full-time na negosyo na may mga empleyado. Katulad din ng kwento ng mga freelancer. Kaya kung ikaw ay pokus sa paggawa ng isang mapagkakakitaang negosyo, pasok ka sa kahulugan ng entrepreneur.

Hindi natatapos lamang ang pagiging entrepreneur sa paggawa ng negosyo o trabaho. Ang ilan sa mga entrepreneur ay kilala sa malaki nilang naiambag sa mundo. Mula kay Elon Musk na nagpadala ng mga tao sa planetang Mars, hanggang kay Bill Gates at Steve Jobs na gumawa ng computers ng bawat sambahayan, Iba-iba ang nagiging kontribusyon ng bawat entrepreneur.

Nakikita ng mga entrepreneur ang maraming posibilidad at solusyon samantalang tanging pagkayamot at problema ang nakikita ng karaniwang tao.

Sa pamamagitan ng pag-unawa sa kahulugan ng entrepreneur, mas maraming tao ang makakilala sa kanilang mga naging ambag sa mundo.

Ang kahulugan ng entrepreneurship ay komplikado. Kasama sa kahulugan ng entrepreneurship ang entrepreneur na siyang gumagawa ng aksyon para makagawa ng pagbabago sa mundo. Mula sa isang entrepreneur na naghahanap ng solusyon para sa pang-araw-araw na problema hanggang sa isang entrepreneur na nagbigkis sa libo-libong mga empleyado, mayroon iisang katangian silang pinagkatulad: action o gawa.

Ito’y hindi lamang isang ideya na mananatili sa iyong isipan. Ang isang mahusay na entrepreneur ay bumubuo ng ideya at isinasagawa ito. Ang Entrepreneurship ay tungkol sa pagbibigay-buhay sa mga ideya.

Kahalagahan ng entrepreneurship

Ang mga Entrepreneur ay madalas tinuturing bilang superhumans. Ang kanilang mga business ideas ay mahusay, malikhain, at ambisyoso. Ang isang entrepreneur ay isang tao na nakakakita ng isang problema sa mundo at nagpo-pokus upang mabigyan ito ng agarang solusyon. Sila’y mga pinuno na may kakayahang mapabuti ang lipunan. Tungkol man ito sa paggawa ng bagong trabaho o produkto, sila’y patuloy na kumilos para masigurado ang pag-asenso ng mundo. Sa prosesong pag-unawa kung ano ang entrepreneurship, ating silipin kung bakit mahalaga ang mga entrepreneur sa lipunan.

Ang mga Entrepreneur ay lumilikha ng trabaho: Kung walang entrepreneur, wala ring trabaho. Ang mga entrepreneur ay sumusugal rin sa mga taong kanilang ie-empleyo. Ang kanilang ambisyon na patuloy na palaguin ang kanilang negosyo ay magbubukas ng mga bagong oportunidad. Sa patuloy na paglago nito, mas maraming trabaho pa ang magagawa. At sa huli, bababa ang unemployement rates at ang porsyento ng nagugutom.

Ang mga Entrepreneur ay lumilika ng pagbabago: Malaki ang pangarap ng mga entrepreneurs at ang ilan sa kanilang mga ideya ay sapat upang gumawa ng pagbabago sa buong mundo. Maari silang makagawa ng bagong produkto na sasagot sa matinding problemang hinaharap ng mundo o kaya’y tanggapin ang isang malaking hamon na wala ni isa man ang nagtangkang harapin noon. Marami ang naniniwala sa kanilang kakayahan upang mapabuti ang takbo ng mundo sa pamamagitan ng kanilang produkto, ideya o negosyo.

Ang mga Entrepreneur ay nagbibigay pabalik sa lipunan: Habang marami ang naniwala na ang mga mayaman ay masama at sakim, mas marami pa rin silang nagagawang mabuti kumpara sa karaniwang tao. Mas malaki ang kanilang kita, kaya mas malaki rin ang kanilang binabayad na buwis. Ang buwis na ito’y tumutulong upang bigyang pondo ang mga serbisyong panlipunan. Ang mga entrepreneurs ay ilan sa mga pinakamalaking nagbibigay sa mga charities at non-profit organizations. Ang ilan naman ay naglalaan ng kanilang pera upang maiangat ang pamumuhay ng mga nasa mahihirap na komunidad. Tulad ng pagbibigay sa kanila ng mapagkukuhanan ng malinis na tubig at mas maayos na pasilidad pangkalusugan.

Mga halimbawa ng mga entrepreneurs

Si Walt Disney ang isa sa mga nagtatag ng Walt Disney Company, isa sa mga nangungunang motion picture studios sa mundo. Siya rin ang nasa likod ng mga theme parks tulad Disneyland and Walt Disney World. Ang kaniyang kumpanya ay nagsimula sa charater ni Mickey Mouse at sa kalaunan ay lumawak pa katulad nila Snow White, Cinderella at marami pang iba. Bilang isang entrepreneur, napagtagumpayan niya ang maraming hadlang tulad ng mga taong nagnanakaw ng kaniyang mga ideya, mga commercial failures at iba pa. Sa kabila nito, siya’y nagpatuloy at nanatiling nakatuon sa kaniyang mga pangarap.

Si Mark Zuckerberg ay gumawa muna ng ilang produkto bago niya mabuo ang Facebook. Gumawa siya ng isang instant messaging tool upang matulungan kaniyang tatay na dentista sa pakikipag-usap sa kaniyang receptionist. SI Zuckerberg din ay gumawa ng isang music software na nais bilhin ng Microsoft at AOL noong siya’y isang binatilyo pa lamang. Sa loob ng unang taon ng Facebook, mayroon na agad itong 1 milyong users. Ngayon, si Mark Zuckerberg ay may network ng $68.3 bilyon.

Si Sara Blakely ay nagsimula sa kaniyang Spanx brand noong 1998. Isa siya sa mga unang gumawa ng women’s leggings. Ang kaniyang negosyo ay kilala sa mga shapewear ngunit, gumagawa rin ito ng mga bra, panties, hosiery at iba pa. Siya rin ang nag-imbento at bumuo ng arm tights, isang damit para sa kababaihan. Sa kanyang panahon, si Blakely ang pinakabatang babaeng self-made billionaire.

Entrepreneur ideas

Ang nagsisimulang entrepreneur ay maaring bumuo ng kahit anong uri ng negosyo. Narito ang ilang business ideas na makakatulong sa iyong pagsisimula:

  • Ecommerce store owner
  • Freelancer (write a blog, accountant, designer)
  • App creator (chatbots, social media apps)
  • Service based business (food delivery, cleaning, dog walking)
  • Consultant based business (wedding planner, life coach)
  • Marketing businesses (PR firms, influencers, SEO brands)
  • Affiliate marketing (Amazon, Clickbank, etc)
  • Blogger (Product reviews, niche blog, magazine)
  • Vlogger (YouTube channel, Twitch)
  • Flipper (domain name, website, house)
  • Translator
  • Real estate agent (condos, houses, commercial)
  • Photographer (product photography, sell photos)
  • Stock Broker (buying and selling stocks)
  • Tutor

Konklusyon

Sa artikulong ito, nalaman mo kung ano ang kahulugan ng entrepreneurship, ano ang entrepreneur, nakatuklas ng ilang mahusay na entrepreneur, at nagkaroon ng mga ideya para sa iyong negosyo. Marami ang naniniwala na tanging pera lamang ang hinahabol ng mga entrepreneurs ngunit, hindi ito totoo. Maraming entrepreneurs ang bumuo ng negosyo upang matugunan ang matinding suliraning hinaharap ng mundo. Kaya kung ikaw ay nagnanais mag-iwan ng malaking tanda sa mundo at makatulong masolusyunan ang mga problema nito, maaring entrepreneurship ang susunod na hakbang mo. Maari ikaw na ang taong magbabago sa mundo.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano Ang Entrepreneurship: Kahulugan at Kahalagahan ng Isang Entrepreneur
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO