15 Negosyo sa Bahay Ideas: Ano ang Magandang Negosyo sa Bahay Lang?

Lahat tayo ay may tintatagong angking galing sa pagne-negosyo na nais ilabas.

Gayunpaman, tayo ay nililimitahan ng sariling takot at paniniwala, kaya mas ninanais na lamang natin sundin ang naging lakad ng ibang. May isang bagay ang nagtutulak sa lahat ng entrepreneur: PASSION o ang pag-ibig sa ginagawa.

Kaya kung ikaw ay matagal ng may passion sa isang bagay ngunit, mas piniling talikuran at itago ito. Ang diwa ng pagnenegosyo ang magbibigay sa iyo ng daan upang gisingin at kumita mula dito.

Maari mong simulan sa pamamagitan ng mga patok na negosyo sa bahay. Bago ka magsimula, mayroong 3 pinaka-importanteng sangkap ang kailangan mong ihanda.

  • Sariling Website
  • Account sa 3 Pinakamalaking social media: Facebook, Twitter, at Google+
  • Calling cards, brochures, flyers, at iba pang marketing materials

Panghuli, ihanda mo ang iyong sarili sa paulit-ulit na pagpapakilala sa iyong negosyo lalo na sa unang quarter ng operasyon nito. Kailangan mo maibahagi ang balita na mayroon kang negosyo, mapa-online man o offline. Lubusang mahalaga ang hakbang na ito para sa ikauunlad ng iyong negosyo.

Narito ang 15 ideas kung Paano kumita ng pera kahit nasa bahay lang.

Mga Patok na Negosyo sa Bahay:

Pagbebenta ng Produkto Online

Mula sa plastic na tinidor na ginamit di umano ni Michael Jordan hanggang sa isang potato chip na kamukha ng Amerikanong komedyante na si Jay Leno, marami ang kumikita online sa pamamagitan ng pagbebenta ng iba’t ibang produkto.

Kung ikaw ay may talent sa paggawa ng mga handicrafts o hindi kaya ay may balak na magbenta sa ibang lugar, ang pagsisimula ng online business ay magbubukas ng malaking pintuan upang makahanap ka ng mga potensiyal na customers.

Freelance Writing

Ang pagsusulat ay isa sa mga basic skills na tinuro sa atin. Bagamat lahat ay kayang magsulat, hindi lahat ay kayang gumawa ng maganda at kaenga-enganyong babasahin. Kung ikaw ay may talento sa pagsusulat, subukan mo ang trabahong ito. Ayon sa Elance, isang Online job platform, “Writing Services” ang pinaka in-demand na serbisyo para sa mga freelancers.

Blogging

Ayon sa istatistika, ang mga maliliit na negosyo na may blog ay 126% na mas mataas ang nakukuhang leads kumpara doon sa wala. Ang paggawa ng blog ay nagpapataas ng credibilidad, reputasyon, at kakayahan sa negosyo. Kaya maari mong subukang gumawa ng blog para sa iyong negosyo sa bahay o hindi kaya’y mag-apply para sa mga kumpanyang nangangailangan ng manunulat para sa kanilang mga produkto.

Gumawa ng Websites

Sa mga kumpanyang kumikita sa pagitan ng $2.5 hanggang $4.5 milyong dolyar, 67% ang may sariling websites. Tanging 53% lamang ng mga negosyanteng may maliit na negosyo ang may websites. Sa patuloy na pag-sikat ng smartphones bilang gadyet pang-internet surfing, inaasahan na pagdating ng taong 2015 ay mas lalaki pa ang demand sa ganitong trabaho.

Business Coaching

Ang numero unong dahilan kung bakit nagsasara ang maliliit na negosyo ay dahil sa kawalan ng karanasan o experience sa pagpapatakbo nito. Kung ikaw ay nakaipon na ng sapat na karanasan sa sariling negosyo at nakabuo ng matibay na reputasyon sa industriya. Makakahanap ka ng trabaho bilang mentor o coach ng ibang naghahangad maging matagumpay na entrepreneur.

Personal Training Coach

Madalas na dahilan ng mga taong tumigil na mag-work out ay napagod na sila kaka-eherysisyo ngunit, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang inaasahang fit na katawan. Kung ikaw ay may passion sa fitness at handing ibahagi ang nalalaman at galing mo sa iba, maaring Personal training ang para sa iyo. Bago pumasok sa ganitong negosyo, siguraduhin muna na ikaw may angkop na mga sertipiko bago tumanggap ng mga kliyente.

Food Delivery

Sa tindi ng trapik sa Pilipinas, mas gugustuhin na lang ng iba na kumain sa bahay o sa opisina imbes na maipit pa sa trapik. Ngunit, may isa pang problema. Madalas wala ng oras para magluto pa. Food Delivery ang sagot para sa mga taong naghahanap ng mura at masarap na lutong bahay, derechong ihahatid sa tapat ng kanilang bahay.

Real Estate Agent

May mga taong laging naghahanap ng lupa na bibilhin, ngunit sa kabilang banda, mayroon ding mga taong naghahanap ng pinakamataas na presyo para sa binebenta nilang ari-arian. Kung nagna-nais kang maging isang Real Estate Agent, kakailanganin mong dumalo sa mga seminar at training courses. Mahalaga rin ng ika’y may certification mula sa real estate brokerage company at maipasa mo ang licensing exam ng Department of Trade and Industry o DTI.

Health and Wellness

May mga taong naghahanap ng alternatibong paraan upang maging fit at healthy. Ang pinakasikat na uri nito ay ang Yoga at Pilates, kung saan pinapalakas nito hindi lamang ang katawan kundi maging ang isipan. Tulad ng pagiging Personal training coach, nangangailangan ito ng tamang sertipikasyon bago mo simulan ang iyong serbisyo.

Buy and Sell

Isa pang magandang negosyo sa bahay ay ang Buy and Sell. Kung ika’y may magaling na mata sa pagtatanya ng halaga at kakayahan makipag-tawaran, ito ang negosyong para sa iyo. Ang eBay ay sikat na online site para makabili at makabenta ng produkto. Subukan ito dahil marami na ang kumita ng malaking pera sa pamamagitan ng eBay.

Household Maintenance

Simula 2009, maraming tahanan ay may dual-income earners, nangangahuluhan ito ng mas limitadong oras para sa paglilinis ng bahay dahil dito naging sikat na negosyo ang Household Maintenance. Siguraduhin na mapagkakatiwalaan ang iyong mga tao upang makabuo ng magandang reputasyon. Kakailanganin mo rin mamuhunan sa mga panlinis.

Photography

Sari-saring selebrasyon ang ipinagdiriwang araw-araw. Ito’y nangangailangan ng indibidwal na kukuha ng larawan upang hindi makalimutan ang bawat mahalagang sandali. Ang pagiging isang photographer ay kasiya-siyang trabaho na nagbibigay ng malaking suweldo. Maging handa nga lang sa bumili ng mahal na equipment.

English Tutorial

Ang Pilipinas ay kilala bilang isang bansang magaling sa wikang Ingles. Mula sa mga bansang Japan, Korea, at China ang may pinakamalaking demand para sa mga Online English Tutor. Isa itong magandang negosyo sa bahay at maaring kumita ng P30,000 sa isang buwan. Bukod sa kakayahan sa wikang ingles, kailangan mo rin magbaon ng mahabang pasensya sa iyong mga estudyante.

Virtual Assistant

Malaki ang ginagampanan ng isang virtual assistant, mula sa pagiging secretary hanggang sa personal assistant. Kung ikaw ay organisado, may kakayahan sa pagsagot ng mga tawag, may kaalaman sa social media at handang magtrabaho ng iba’t ibang oras, maaring virtual assistance ang trabahong para sa iyo. Ang mga virtual assistant ay in-demand at nagbibigay ng magandang pasuweldo.

Transcription

Ang mga doktor, abogado, at businessman ay laging nangangailangan ng magaling at mahusay na transcribers. Ang pagkuha ng online at iba pang courses kaugnay nito ay isang magandang ideya bago pumasok sa trabahong ito.

Mahalaga ang accuracy sa transcription. Ang simple pagkakamali sa punctuation o pagbabantas ay maaring magpabago sa buong kahulugan ng legal transcript. Ito’y magdudulot ng gastos at abala sa iyong kliyente. Ang maling speling o pagbaybay sa pangalan sa medical transcripts ay maaring magdulot sa pagka-asunto. Siguraduhin na ikaw ay may maasahang computer, maayos na headset, at mabilis na internet para sa mga audio files.

Negosyo sa Bahay: Ano ang iyong plano?

Kung wala sa listahan ang iyong espesipikong kakayahan o talento, huwag ito pabayaang maging hadlang sa iyo.

Sa pagsisimula ng negosyo sa bahay, ang pangunahing layunin ay ang bumuo ng sariling kliyente, makukuha mo ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinakamagandang presyo laban sa iyong mga katunggali. Normal na dumaan sa mga araw na mararamdaman mo na tila hindi bumabalik ang mga pinagsikapan mo. Sa kabila nito, magpatuloy na maging mapagpasalamat at alalahanin mo na malayo na ang iyong paglalakbay mula noong nagsimula ka sa negosyo. Patuloy mong ibigay ang pinakamataas na kalidad ng iyong serbisyo.

Ang pagtatagumpay sa negosyo ay hindi tungkol lang sa paghahanap ng kliyente at pagbibigay ng kanilang kailangan. Kung mahal mo ang iyong ginagawa, makakamit mo ang tagumpay!

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

15 Negosyo sa Bahay Ideas: Ano ang Magandang Negosyo sa Bahay Lang?
2 (40%) 1 vote