Mga Patok na Negosyo sa Maliit na Puhunan

Kung ikaw ay nakatira sa Pilipinas at dumaraan sa maraming problema, kahirapan at pagkabigo, alalahanin mo na marami ring oportunidad ang naghihintay para sa iyo. Ang kawalan ng trabaho o unemployment ang isa sa pinakamalaking problemang hinaharap ng mga Pilipino, ngunit kahit wala kang trabaho hindi pa huli para magsimula ng negosyong maliit ang puhunan.

Sa katunayan, patuloy na umuunlad ang entrepreneurship o pagnenegosyo sa Pilipinas. Ito’y nagbibigay sa mga unemployed na fresh graduates, mga estudyante sa kolehiyo, mga stay at home mommies, mga retired o senior citizens na maging sarili nilang boss habang kumikita ng malaki.

Kaya kung ikaw ay naghahanap ng kasagutan sa tanong na “Ano ang magandang negosyo sa maliit na puhunan?”, Ikaw ay nasa tamang lugar. Sa article na ito, aming tatalakayin ang mga negosyo na pwedeng gawin sa bahay at iba pang negosyo sa maliit na puhunan dito sa Pilipinas.

Mga Patok na Negosyo sa Maliit na Puhunan: Food Business sa Pilipinas

Kahit gaano pa man kahirap ang ekonomiya, palagi pa ring kailangan ng pagkain. Sabi nga, ang pagkain ay isang negosyong hindi basta basta mapapatumba. Narito ang listahan ng mga negosyong may kinalaman sa pagkain dito sa Pilipinas.

  • Mobile Restaurant/Food Cart: Ang mobile food kiosk ang pinakamurang option para sa food retail business. Ang puhunan ay depende sa cart na iyong pipiliin. Halimbawa, maari kang magluto sa bahay at ibenta ito sa food cart o pwede rin na mayroon ng mismong kitchen sa food cart kung saan ka magluluto pag may umorder. Pwede kang pumili ng pagkain na iyong ise-serve na hindi nangangailangan ng malaking puhunan. Laging siguraduhin ang pinakamataas na kalidad at lasa ng pagkaing iyong binebenta.
  • Office Food Delivery: Para sa mga taong nagtratrabaho sa opisina, isang biyaya ang makakain ng lutong bahay. Kaya, bakit hindi sila tulungan sa pamamagitan ng pagbubukas ng Office Food Delivery na negosyo. Naibigay mo na ang kanilang hinahanap, kumita ka pa. Piliin ang mga opisina o tanggapan na maraming empleyado at doon mo simulang ipakilala ang iyong negosyo.
  • Baking on Order: Kung ikaw ay mahilig mag-bake at may galing sa ganitong larangan, maari mo itong gamitin upang kumita ng sariling pera. Maaring magbenta ng mga homemade cakes at cupcakes. Maging mabusisi sa pagpili ng estratehiyang gagamitin sa pagpapakilala ng iyong produkto. Maaring mag-advertise sa mga Social Media Sites tulad ng Facebook at Instagram.
  • Catering: Hindi mo kailangan ng pormal na kwalipikasyon para magsimula ng Catering business pero, oo, kailangan mo ng kapital para sa basic na setup tulad ng kutsara’t tinidor, kaldero, mga upuan, pati na ng mantel. Marami sa mga gamit na kailangan ay maaring mabili sa pamamagitan ng hulugang bayad o hindi kaya ay humingi ng paunang bayad sa iyong customer para mabili ang mga ito. I-deliver ng maayos at masarap ang pagkain, tiyak ikaw ay magiging sikat.

Clothing at Textile Business sa Pilipinas

Mga Patok na Negosyo sa Maliit na Puhunan? Isa diyan ang pagbebenta ng mga damit. Mga damit ang pangalawa sa pinakamatatag na sektor ng negosyo dito sa Pilipinas dahil lahat ng tao ay kailangan ng damit, maging sila man ay mayaman o mahirap. Maging malikhain at lawakan ang pag-iisip at siguradong makakagawa ka ng daan-dang ideya tungkol sa paggawa at pagbebenta ng mga damit. Ito ang ilan sa mga negosyo na patok dito sa Pilipinas.

  • Budget Clothing Shop: Mas pinipili ng Pilipino ang damit na pasok sa kanyang budget kaya mataas ang demand sa mga readymade o yung mga damit na gawa na. Maari kang magbukas ng maliit na negosyo na nagbebenta ng mura ngunit, dekalidad at nasa usong mga damit. Laging ibigay ang buong makakaya dahil tingnan mo, unti-unting uunlad ang negosyo mo.
  • Dress Designing: Kung ikaw ay mayroong kahusayan sa pagdi-disenyo ng dress at iba pang damit, at may malawak kaalaman sa iba’t ibang fashion trends, maari mong simulan ang sarili mong pangalan mula mismo sa sarili mong tahanan. Matinding marketing strategy ang susi sa ganitong negosyo upang ito’y lumaki.
  • Online Clothing Shop: Hindi mo na kakailanganin pa mag-imbentaryo at umupa ng puwesto. Kailangan mo lang ng ecommerce store at magbenta online ng sarili mong produkto o hindi kaya ay maging retailer sa pamamagitan ng pagsali sa kanilang affiliate programs.
  • Buy & Sell Used Clothing: Daan-daan at libo-libong tao ang naghahanap ng murang damit ngunit, mayroon din namang uri ng tao na kayang-kaya bumili ng maraming damit at kailangan ng linisin ang mga tumambak na damit sa kanilang aparador. Kaya subukang tingnan ang iyong mga damit dahil maaring marami na rito ang hindi mo na ginagamit ngunit, maari pang ibenta. Malay mo nasa aparador mo lang makikita ang simula ng iyong negosyo.

Mga Serbisyong Negosyo sa Pilipinas

Mga Patok na Negosyo sa Maliit na Puhunan? Magserbisyo bilang negosyo! Ang Pilipinas ang isa sa mga bansang may pinakamataas na literacy rate o kakayahang magsulat at magbasa. Itoy’ nangangahulugan na kayang lumago ng service industry dito sa ating bansa. Kayang-kaya ito mapagyaman kung mahusay na gagamitin ang lahat ng oportunidad na mayroon. Kung ikaw ay walang trabaho, huwag ng maghintay pa ng iba dahil ikaw mismo sa iyong sarili ang may hawak ng iyong kapalaran. Simulan mo ang local na kliyente hanggang ito’y umabot sa ibang bansa sa tulong ng Internet. Paano magsimula ng maliit na negosyo? Ihanda mo lang ang iyong sariling kakayahan, computer, at internet. Tunay, isa itong negosyong maliit ang puhunan.

  • Market Research: Hindi lamang pagsali sa iba’t ibang paid surveys programs at pagsagot ng mga surverys ang paraan upang kumita sa mabilis na paraan. Mayroong bagong sistema sa mundo ng Market research kung saan ay mas makakahanap ka ng magandang oportunidad. Tumingin sa mga freelancing websites at mga LinkedIn jobs para sa mas malaking suweldo.
  • Website Designing & Development: Ang mga Web designers at software developers ay dalawa sa pinaka in-demand na trabaho. Hindi mo na kakailanganin pang lumayo at mag-apply sa mga opisina dahil maari mo itong gawin sa loob iyong tahanan. Ang malaking hadlang sa ganitong negosyo ay ang mismong sarili, sapagkat kakailanganin mong ituon ang iyong atensiyon sa pagpapabuti ng iyong kakayahan imbes na gamitin ito sa pagbabad sa mga Social networking sites.
  • Photography: Ipakita mo ang galing mo sa pagkuha ng mga larawan sa pamamagitan ng paggawa ng portfolio o maging boluntaryong photographer sa iba’t ibang okasyon tulad ng kasal at graduation. Mula dito, makikita ng iba ang iyong angking galing at maari ka nilang kunin o irekomenda pa sa ibang kakilalang nangangailangan din ng parehong serbisyo.
  • Virtual Assistant: Noon, data entry jobs ang ina-outsourced na mga kumpanya ngunit ngayon, naghahanap na rin ang mga kumpanya ng mga virtual assistant na gagawa ng iba’t ibang klaseng gawain sa computer. Kung ikaw naman ay tipo na laging online, bakit hindi subukan ang trabahong ito? Maglaan ka lamang ng oras upang mapag-aralan ang trabahong ito at siguradong makakahanap ka ng magandang pinagkakakitaan.
  • Blogging: Kung tila ang lahat ng bagay ay hindi akma sa iyo, ngunit ikaw ay may likas na talento sa pagsusulat, blogging ang posibleng pinaka-swak na negosyo na hindi nangangailangan ng puhunan. Ang kailangan mo lang gawin ay magsulat tungkol sa iyong mga hilig at i-publish ito online. Ifo-follow ng mga tao ang iyong blog at papasok na ang pera.

Mga Patok na Negosyo sa Maliit na Puhunan: Mga Maliliit na Tindahan sa Pilipinas

Kung ikaw ay nakatira sa maliit na bayan at probinsya at naghahanap kung Paano magsimula ng negosyo sa maliit na puhunan, mga Small Scale Shops ang swak sa iyong hinahanap. Maliit ang puhunan at tindahan ngunit, malaki ang kita. Narito ang ilang ideya para ika’y makapagsimula sa iyong negosyo sa Pilipinas.
Sari-Sari Store Business: Isa itong tipikal na negosyong Pilipino kung saan magbebenta ka ng sari-sari o iba’t ibang mga produkto tulad ng kendi, de lata, inumin, school supplies at marami pang iba, lahat-lahat sa iisang bubong. Makakatipid ka sa renta kung ang iyong tahanan ay nasa magandang pwesto.

  • Hair Salon: Kakailanganin mo ng sense of style at karanasan sa paggugupit ng buhok upang magkaroon ng matagumpay na salon business. Hindi nito kailangan ng matinding investment dahil maari kang magsimula muna sa maliit na shop at sa mag-offer ng limitadong serbisyo hanggang sa magkaroon ka ng sapat na puhunan upang bumili ng dagdag na salon equipments.
  • Laundry at Dry Cleaning Services: Tulad ng pagluluto at paglilinis, ang paglalaba ay isa pang gawain na madalas ay hindi na kayang gawin ng mga taong abala sa kanilang trabaho. Maari mo itong simulan sa maliit na shop ngunit, mas maganda kung bibigyan mo ng pagpipiliian ang iyong customers sa pamamagitan ng pag-pickup na mismo ng kanilang labada at ihatid din ito pagkatapos. Tila ba door-to-door service ng labahan. Gumawa ka ng matibay na plano at siguradong malaki ang kikitain mo!
  • Cellphone Loading Business: Kung ikaw naman ay pumapasok sa opisina araw-araw, magandang dagdag kita ang loading business. Maraming kapwa empleyado ang maari mong maging customer. Isa sa bentahe ng negosyong ito ay hindi ito nabubulok tulad ng pagkain. Pumunta ka lang sa malapit na Loading Station at magtanong kung paano gumagana ang negosyong ito. Kung tutuusin tanging Sim Card na may kakayahan mag-load sa ibang sim at Load Wallet Balance lamang ang iyong kailang. Napakasimple!

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Patok na Negosyo sa Maliit na Puhunan
4 (80%) 1 vote