Iba’t ibang Patok na Negosyo sa Pilipinas ngayong 2018

Ikaw ba ay nagbabalak magsimula ng negosyo ngayong 2018 ngunit, nalilito pa rin kung anong business idea ang pinakamabuti para sa iyo? Well, huwag ka ng mag-alala dahil bibigyan kita ng listahan ng pinakamagandang business ideas this 2018 na siguradong makakatulong para makapag-desisyon ka sa kung anong negosyo ang papasukin mo ngayong taon.

Naniniwala ang mga eksperto na ang 2018 ang magiging pinakamagandang taon para sa mga entrepreneur. Maging mapagmatyag sa mga key trends at developments na lubos na mahalaga para sa lahat na nais magsimula ng negosyo. Maraming dahilan kung bakit maganda ang 2018 sa mga entrepreneurs tulad ng pag-unlad ng teknolohiya, paglaki ng populasyon, pagkakaroon ng mas malawak na access sa Internet, patuloy na pag-angat ng bilang ng mga dual-earner families, pagtaas ng suweldo, mas aktibong gobyerno, millennials, etc.

Kaya, dahil ang taon na ito ay magbibigay ng di-malilimutang mga oportunidad para sa mga entrepreneur, narito ang listahan ng patok na negosyo ideas sa Pilipinas ngayong 2018.

Patok na Negosyo para sa mga Estudyante

Blogger

Maraming magagandang oportunidad ang dala ng blogging. Ikaw ang pipili ng tema at paksa ng iyong isusulat sa sarili mong oras.

Virtual Assistant

Maari kang magtrabaho mula sa iyong bahay o sa dormitory bilang virtual assistant. Kabilang sa trabaho ng isang virtual assistant ay pagsagot sa mga email at pangangasiwa ng mga social media account.

Tutor

Kung ikaw ay may galing sa partikular na paksa tulad ng Science, Math, English, at History. Maari kang magturo sa ibang kapwa estudyante para matulungan silang maunawaan ang mga aralin at makapasa.

YouTube Personality

Ang YouTube ay isang magandang platform para makabuo ng negosyo. Maari kang kumita ng pera sa pamamagitan ng mga advertisements o kaya’y magtrabaho para sa mga brands bilang influencer.

Social Media Manager

Para sa may sapat na kaalaman sa mga social media, maari mong ialok ang iyong serbisyo sa mga negosyong nangangailangan ng tulong pamahalaan ang kanilang mga social media accounts.

Child Caretaker

Kung ikaw ay naghahanap ng low-tech business opportunity, maari kang mag-alaga ng mga bata habang abala sa maraming gawain ang kanilang mga magulang.

Housesitter

O hindi kaya ay maging housesitter para sa mga taong luluwas out of town.

Ecommerce Reseller

Madali lamang magsimula ng sarili mong ecommerce na negosyo. Gumawa lang ng account sa mga websites tulad ng Amazon at eBay para makabenta ng sari-saring produkto online.

Patok na Pagkain pang Negosyo

Kung may isang bagay na laging in demand lalo na sa puso ng maraming Pilipino, ito ay pagkain, Oo, kaibigan. Alam ko na magkakasundo tayo rito. Unang una, lahat ng tao ay kailangan kumain kaya laging may aktibong market para sa food-based businesses. Mapapansin mo na maraming negosyo tungkol sa pagkain ang sumulpot na parang kabute sa buong bansa. Alam mo kung bakit? Dahil ito’y mapagkakakitaan.

Ang pagkakaroon ng negosyo ay hindi madaling gawain. Maraming bagay ang kailangan mong planuhin. Kailangan magkaroon ka ng tamang mindset at kailangan ay maayos mong napapamahalaan ang iyong kinikitang salapi.

Coffee Shop 

Isa sa pinakamainit na negosyong pangpagkain na maari mong simulan sa Pilipinas ngayon. Maraming Pilipino ang tumatangkilik sa Starbucks dahil sa masarap nitong mga frappes, espressos, smoothies, at iba pa. Ngunit, hindi lahat ay kayang bumili ng kanilang kape araw araw. Para sa mga karaniwang kumikita, ang presyong ng medium-sized coffee ng Starbucks ay katumbas na halos ng arawan nilang kita.

Maari kang magsimula ng isang coffee shop na nagbebenta ng kalidad na mga inumin at pastries sa mas murang halaga kumpara sa Starbucks. Tandaan, hindi laging tungkol lang sa kape ngunit, sa overall experience ng customer sa iyong shop ang labanan. Kung nais mong ipagpatuloy ang ganitong negosyo, narito ang pangunahing bagay na kailangan mong isaalang-alang.

  • Magandang Lokasyon
  • Mga Equipment at Tools
  • Barista
  • Kape at Recipes
  • Design ng iyong shop
  • Branding

Bakery

Ang mga Bakery ay bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas at tunay na maaring kumita sa ganitong negosyo. Para sa mga Pilipino, tinapay ang pangalawang staple food kasunod ng kanin. Para sa puhunan, kakailanganin mo ng higit kumulang P70,000 depende sa mga gamit at equipment na iyong bibilhin.

Tulad ng ibang negosyo, magandang lokasyon din ang isa sa mga susi upang magtagumpay. May ilang entrepreneur ang nagtatayo ng bakery sa maliliit na subdivision. Dahil pagkatapos ng 5-10 taon, ang subdivision ay lalago at magkakaroon ng mas malaking populasyon. Kapag dumating ang panahong iyon, nasanay na ang mga mamimili na sa iyo bumili.

Kung ikaw ay may puso sa paggawa ng tinapay, nasa magandang lokasyon, at may capital para magsimula. Subukan mo ang ganitong negosyo.

Siomai Stand

Ang negosyong ito ay nangangailangan ng mas mababang investment kumpara sa naunang dalawang negosyo. Ang maganda sa Siomai ay maari itong i-serve sa maraming paraan.

  • Maaring ibenta kada piraso o per set-of-3 or set-of-5
  • Steamed or Fried
  • With Plain, Calamansi, o Chili Sauce
  • With Rice

Ang Siomai-Rice ay negosyong patok para sa mga estudyante dahil abot kaya ang presyo nito. Maari kang bumili ng set ng 3 Siomai na may kasamang kanin at may pagpipilian kang magdagdag ng per-piece pa na order.

Kakanin

Sa halos lahat ng okasyon, laging makakakita ng kakanin. Nakaugalian ng hindi kumpleto ang selebrasyon kung walang ganitong uri ng pagkain.

Kung papasok ka sa ganitong negosyo, maraming Pilipinong kakainin ang mapagpipilian mo.

  • Puto
  • Sapin-sapin
  • Palitaw
  • Espasol
  • Biko
  • Buchi
  • Cassava Cake
  • Kalamay

Maari mong ibentang direkta ang mga kananin. Ngunit, kung gusto mo ng mas malaking kita, maghanap ka nga mga distributors o re-sellers sa iyong lugar at hayaang sila ang magbenta para sa iyo.

Merienda (Snacks)

Maraming uri ng pagkain ang pasok sa Merienda. Dahil nauna ng talakayin ang kakanin, ang magiging pokus nito ay mga noon-time meriendas. Kung nais mong simulan ang ganitong negosyo, narito ang listahan ng mga patok na pagkain pang negosyo.

  • BananaQ, KamoteQ, Turon, Maruya
  • Fishball, Squidball, Kikiam, Chicken Balls, Kwek-Kwek
  • Ginataang Bilo-bilo, Ginataang Mais, Waffles
  • Sago-Gulaman, Mais con yelo, Saging con yelo, Halo-halo, Juice

Patok na Negosyo sa Probinsya

Avon Sales Rep

Kung ikaw ay magaling sa pagbebenta at nagnanais na maging sariling boss. Magandang subukan ang pagiging Sales Representative ng Avon. Ang Avon ang pinakamalaking direct selling company sa buong mundo. Maliit na registration fee lang ang kailangan at makakapagsimula ka na agad. Ikaw ang may hawak ng sarili mong oras at ikaw ang bahala sa pagpapatakbo ng iyong negosyo.

Smartphone Repair

Simula 2014, 60% ng online traffic ay nagmula sa mga mobile devices, lalo na sa smartphones. Tinatayang 4 sa bawat 10 Pilipino ang magkakaroon ng smartphone sa dulo ng 2015 dahil mas magiging abot kaya ito at mas pinakaganda ang mga network systems.

Ang Pilipinas ay hinirang bilang “Selfie Capital” ng mundo, kaya walang duda ng gamit na gamit ang mga smartphones sa bansa. Pagkatapos ng 2 taon, nangangailangan na itong kumpunihin. Kaya kabilang ang smartphone repair shop sa mga negosyong patok.

Computer home repair

Computers, laptops, at mga gadgets ay nangangailan ng service, repair, at maintenance. Lalo na dahil ang mga tao ay mas nagiging dependent sa teknolohiya. Ang pagbibigay ng Home repair service ay nagbibigay sa iyo ng 2 bentahe laban sa mga katunggali na computer repair stores.

Una, ang iyong presyo ay mas mababa dahil hindi mo na kailangan gumastos pa ng renta. Pangalawa, mas nagiging magaan sa iyong mga customer na ikaw na mismo ang pupunta sa kanilang bahay sa halip na kabaliktaran.

Rice retailing business 

Dahil kanin ang staple o pangunahing pagkain ng mga Pilipino, mahirap isipin ang isang Pilipinong hindi kailanman bumili ng bigas. Lahat ng Pilipino ay kumakain ng kanin maliban na lamang kung ikaw ay ipinanganak at nakatira sa Canada o Amerika dahil tinapay ang iyong staple na pagkain. O hindi kaya’y nakatira sa malayong probinsya kung saan hindi kaya bumili ng mga tao ng bigas kaya kamote, mais, at cassava ang alternatibo.

Ang pagsisimula ng ganitong negosyo ay hindi nangangailangan ng malaking capital. Ngunit, may ilang rice sellers na nagsasabing P60,000 ang minimum na capital upang makapagsimula ng mapagkikitaang negosyo. Maliban sa business permit, kakailanganin mo rin ng lisensya mula sa DTI kung single proprietorship, SEC kung partnership o korporasypn at lisensya rin mula sa NFA.

Pagtitinda ng native delicacies

Dahil salat ang mga siyudad sa magagandang pasyalan, marami ang pumupunta pa ng probinsya para makapagbakasyon. Kaya habang maraming turista, samantalahin ang pagtitinda ng mga native na produkto. Naipakilala mo na ang iyong probinsya, kumita ka pa. Ilan sa mga native delicacies sa bansa ay suman sa ibos, puto, cuchinta, bibingka, halaya, sapin-sapin, biko, at maja blanca. Ang tanging problema lamang sa ganitong pagkain ay madaling masira o mapanis kaya dapat ito ay mabenta na rin sa parehong araw. Ngunit, mayroon din namang native delicacies na may mahabang buhay tulad ng barquillos, piaya, otap, puto seko, at iba pang dried goods.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Iba’t ibang Patok na Negosyo sa Pilipinas ngayong 2018
1 (20%) 1 vote