Top 10 Pautang Online Philippines: Saan Ba Ako Makakautang ng Mabilis?

Pang-online shopping? Pangbayad ng kuryente at tubig? Biglaang emergencies? Kailangan mo ba ng mabilis na mauutangan? Kahit ano pang pangangailangan iyan, masasagot iyan ng online pautang.

Kumpara sa tradisyonal na pautang na naghahanap pa ng maraming dokumento, bakit hindi mo subukan humiram ng pera online? Mabilis ang approval time, mababa ang interest, at hindi mo na kakailanganin pa ng matinding collateral at down payment.

Narito ang Top 10 Pautang Online Sites sa Pilipinas

cashwagon

1. Cashwagon

Ang Cashwagon ay isang international company na nag-aalok rin ng pautang ng pera online dito sa Pilipinas. Ang kanilang pangunahing mithiin ay makapagbigay ng pautang ng walang collateral at loans na hindi na dumaraan sa matagal at mabusising proseso.

Ang buong proseso ay magaganap online, kaya hindi na kakailanganin pa ng maraming paperworks at guarantors.

Paano kumuha sa Cashwagon:

  • Magfill-up ng online application form, ito’y aabutin lamang ng 5 minuto.
  • Pagkaraan ng 30 minuto, makakatanggap ng confirmation via SMS o email.
  • Sa loob ng 24 oras, matatanggap mo na ang iyong pera sa iyong bank account.

Requirements:

  • Pilipinong kasalukuyang nakatira sa Pilipinas
  • 22 – 60 years old
  • May trabaho at propesyonal

2. Home Credit: Pautang Online Philippines

Nagsimula ang operasyon ng Home Credit sa Pilipinas noong Oktubre 2013. Ang Home Credit Philippines ay bahagi ng Home Credit Group, isang global consumer finance expert, na may malaking presensiya sa 11 mga bansa sa Central at Eastern Europe, Asia, at North America.

Ang Home Credit ay naniniwala sa mga prinsipyo ng financial inclusion at safe lending sa pamamagitan ng pagbibigay ng world-class financing services sa kanilang mga customer, na madalas ay mga first-time borrowers.

Paano kumuha ng Home Credit Loan:

  • Maghanda ng 2 valid IDs (ang isa ay dapat government issued ID)
  • Pumunta sa kanilang Partner stores at pumili ng gamit na gusto mong bilhin
  • Tutulungan ka ng kanilang Sales Agent sa iyong pagbili
  • Pagkatapos ng 20 minutes approval, magbigay ng Down Payment.
  • Maari mo ng iuwi ang produkto
  • Bayaran ang natitirang halaga sa pamamagitan ng installments.

Requirements:

  • Filipino Citizen, 18-68 taong gulang
  • May stable na trabaho. Employed (at least 3 months), self-employed, businessman, pensioner or receiving regular remittance
  • 2 Valid IDs
    • Primary IDs: SSS, PRC, Driver’s license, Voter’s ID, Passport, UMID
    • Secondary IDs: Bank account statement, Brgy. Certificate/Clearance, Certificate of Employment, Credit/Saving Card, Company ID, Electric bill, Mobile phone bill, Water bill.

3. Pautang Online Philippines: ÆON Credit Service

Ang ÆON Credit Service (Philippines) Inc. ay nabuo noong Pebrero 14, 2013. Pagkatapos ng isang buwan, sinimulan ng ÆON Credit ang kanilang operasyon sa pamamagitan ng paga-alok ng ÆON Installment Plan, isang uri ng loan kung saan maaring bumili ng consumer products ng hindi na kinakailangan pa ng credit card.

ANg ÆON Credit ay subsidiary ng ÆON Financial Service Co., Ltd. Japan (‘ÆON Financial’), isang kumpanyang nakalista sa First Section of the Tokyo Stock Exchange. Ang pangunahing negosyo ng ÆON Financial ay ang pagbibigay ng credit at prepaid cards, Ito ay may 35 milyong credit card holders sa Japan at sa ibang bansa at 41 milyong prepaid card holders sa Japan. Isa ito sa pinakamalaking nagbibigay ng credit card sa Japan.

Paano kumuha ng ÆON Credit Service:

  • Maghanda ng 2 valid IDs (ang isa ay dapat government issued ID)
  • Pumili ng produkto mula sa Partner Store.
  • Tutulungan ka ng kanilang Sales Promoter para sa iyong loan application.
  • Pagkatapos aprubahan ang iyong loan, bayaran ang napagkasunduang halaga
  • Maari mo ng iuwi ang produkto
  • Bayaran ang buwanang bayarin sa tamang oras.

Requirements:

  • 2 Valid IDs
  • Proof of Income
    • Para sa mga employed: last 1 month Payslip
    • For self-employed / beneficiaries: Proof of income for the last 3 months (Bank Statements, Remittance, Passbook)
  • Proof of Billing: Electricty, water, o telephone bill

4. Pautang Online Philippines: Cash Credit

Isang fin-tech company na kasalukuyang may operasyon sa Bulgaria, South Africa at Pilipinas ang Cash Credit. Sa pamamagitan ng pakikitambal sa iba’t ibang data providers tulad ng telcos, utility companies, at mga bangko, sila’y nakapagbibigay ng pautang online at mga micro credit na serbisyo sa kanilang mga konsyumer. Sila’y nagpapautang ng pera hanggang P10,000 na maaring bayaran sa loob ng 16 na linggo o 4 na buwan.

Paano kumuha ng Cash Credit:

  • Tingnan kung maari kang mag-apply ng Pera Agad loan sa pamamagitan ng pagte-text ng LOAN to 2423. Libre ang text na ito.
  • Mag-fill out ng application form online o sa kahit saang partner outlet. Kakailanganin mo ng at least 1 valid government ID sa iyong paga-apply.
  • Sa loob ng 24 oras, makakatanggap ka ng SMS confirmation kung naaprubahan ang iyong loan. Kung ito’y naaprubahan, ipakita ito sa partner outlets para makuha ang iyong loan. Maghanda ng 2 valid IDs (ang isa ay dapat galing sa gobyerno)

5. Pautang Online Philippines: Easycash

Ang Easycash ay technology-driven financial services company na nagbibigay ng online pautang sa mga karapat-dapat na indibidwal at sa mga maliit na negosyo. Isa itong Filipino company na nagtratrabaho upang mabigyang ng mas madaling access ang karaniwang Pilipino sa mga pautang.

Paano kumuha ng Easycash Loan:

  • Gumawa ng EasyCash Account: Piliin ang angkop na loan para sa iyo at magsign-up gamit ang iyong email address at mobile number
  • Kumpletuhin ang detalye online: Mag-fill up ng online application form at i-submit ang lahat ng kailangan para sa beripikasyon.
  • Kung pinagtibay ang iyong loan, makukuha mo ito sa loob ng ilang minute.

6. Pautang Online Philippines: Cash Mart

Ang Cash Mart Philippines ay isang kumpanyang nagpapautang ng pera online sa Manila Region at NCR. Naglalayon itong magbigay ng mga simpleng pautang sa pinakamabilis na panahon upang matulungan ang problema sa financial gap ng mga Pilipino. Kahit ano pa man ang antas ng iyong pamumuhay, mayroon silang loans para sa iyo. Sila rin ay nagbibigay ng mga flexible na repayment terms para mabilis at madali mong mabayaran ang iyong inutang. na nagtratrabaho upang mabigyang ng mas madaling access ang karaniwang Pilipino sa mga pautang.

Paano kumuha ng Cash Mart Loan:

  • Sagutan ang kanilang application form. Makukuha mo ang kanilang sagot pagkatapos ng 1 araw.
  • Titingnan ng kanilang loan executives kung ikaw ay maaring kumuha ng loan.
  • Lagdaan ang kontrata at maari mo ng makuha ang iyong pera.

Requirements:

  • Para sa mga Salaried at Commission-based Employees:
    • Government Issued ID
    • Company ID
    • Latest One-Month Payslip
    • Two Proof of Billings
  • Para sa mga Self-Employed:
    • 2 Government Issued ID’s
    • Bank Statement
    • Mayor’s Permit
    • Two Proof of Billings
  • Para sa mga Taxi/UBER/Grab drivers:
    • Driver’s license
    • Driving permit (UBER/Grab)
    • OR/CR of vehicle
    • Provisional Authority or Certificate of Public Convenience (For Uber and Grab)

7. Pautang Online Philippines: Vidalia Lending Corporation

Ang Viladalia Lending Corp. ay isa sa mga financing companies sa Pilipinas na nakapagbigay na ng higit 500 milyon loans mula ng magsimula ito. Gumagamit sila ng traditional at maasahang credit methods kasama ng makabagong teknolohiya upang maihatid ang pangangailangan ng kanilang customer.

Maari kang umutang sa kanila ng P10,000 hanggang P500,000. Mayroon ding inaalok na investment opportunity ang Vidalia. Sa halagang P5,000, maari ka ng maging isa sa kanilang mga investors. Ito’y may placement terms ng 2 hanggang 12 buwan.

Paano kumuha sa Viladalia Lending Corp:

  • Pumunta sa kanilang website at mag-apply ng online application.
  • Ibigay at kumpirmahin ang lahat ng hinahanap na impormasyon.
  • Maari mong makuha ang iyong pera sa kanilang opisina, Lunes hanggang Biyernes o maaring i-deposit sa iyong bank account.

Requirements:

  • Filipino, 20 – 60 years old
  • PHP 15,000.00 monthly net income for employed applicants at PHP 30,000 for self-employed
  • Permanent/regular employee
  • Two(2) valid IDs (Company ID, Passport, Driver’s License, SSS/GSIS)
  • Proof of Billing (electricity, water, landline)
  • Latest 2 months payslips
  • Certificate of Employment with Compensation

8. Asteria Lending Inc.

Matatagpuan ang opisina ng Asteria Lending Inc. sa Makati. Ito ay tinayo upang magbigay ng mga Personal loans dito sa Pilipinas. Lahat ng transaksiyon ay 100% online at hindi na kakailanganin pang pumunta sa kanilang opisina. Bagama’t ito’y online, tinitiyak ng Asteria Lending ang seguridad nito dahil ang kanilang kumpanya ay kinikilala ng SEC.

Paano kumuha sa Asteria Lending Inc.:

  • Mag-register sa kanilang website sa pamamagitan ng pagpindot ng APPLY NOW Button na makikita rito.
  • Punuan ang lahat ng kinakailangan detalye at impormasyon.
  • Maghintay ng 2 araw para sa proseso ng iyong loan.
  • Magpapadala ng notification ang Asteria kung naaprubahan ang iyong loan o kaya’y maaring maglog-in sa iyong account.

Requirements:

  • Application form
  • SSS ID or UMID; and TIN ID or ITR
  • Company ID
  • Two (2) months latest pay slips
  • Bank Account kung saan ipapadala ang loan
  • Proof of Billing

9. Capital Union

Marami ang pumipiling umutang sa Capital Union dahil nagbibigay sila ng mababang interest rates sa kanilang mga loans. Kung ikaw ay nagbabalak kumuha ng Personal o Business Loan, nagpapautang sila mula P10,000 hanggang P100,000. Depende naman sa iyong kakayahang magbayad ang kanilang ipapahiram kung kukuha ka ng Car loan. Ang kanilang monthly interest rates ay mula 1% — 7%.

Ilang Requirements para sa Personal Loan:

  • Application form
  • ID photos – 2 (2×2 or 1×1 in size)
  • Yearly income tax return (BIR Form 2316)
  • Specimen signatures – 3
  • Valid ids – 3 (two government ids & one company id)
  • Billing proof (ang account ay dapat sa iyo nakapangalan) o Barangay Clearance

10. Fuse Lending

Ang Fuse Lending, Inc. (“FUSE”) ay pag-aari at subsidiary ng Globe Fintech Innovations, Inc, (“Mynt”). Ang Fuse Lending ay isang lisensyadong kumpanyang nagpapautang sa mga Pilipinong hindi makakuha ng loans sa bangko. Ito’y may layunin na gumawa ng mga oportunidad para sa ikalalago at ikatatatag ng maliliit na indibidwal at negosyo.

Ang Fuse Lending ay nakatala sa Securities and Exchange Commission (SEC) ng Pilipinas at sumusunod sa mga alituntunin nito.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Top 10 Pautang Online Philippines: Saan Ba Ako Makakautang ng Mabilis?
5 (100%) 1 vote

Sabihin sa iba ang tungkol dito!