Ipon Challenge: Paano mag-ipon sa Alkansya nang hindi ito Binabasag, Binubuksan o Sinisira

Naghuhulog ka rin bas a alkansiya? Marahil noong bata ka pa, naranasan mo nang maghulog ng piso-piso sa iyong coinbank at binabasag na ito pag puno o mabigat na. Marami pa ring mas nakatatanda ngayon ang nag-a-alkansiya. At alam mo bang sa panahon ngayon, hindi lang barya ang inihuhulog sa alkansiya, coinbank o piggy bank? Maging ang perang papel ay maaari mo ring ihulog dito, kung gusto mo ng mas malaking ipon pag napuno na ito. Heto pa! Gawin nating mas exciting ang pag-iipon mo. Hayaan mong hamunin ka naming sa isang ipon challenge.

Ipon challenge na talagang mae-excite ka

Sa ipon challenge na ito, araw-araw kang maghulog ng P50 sa coinbank mo nang walang mintis sa loob ng isang taon o kaya naman, depende sa kaya mong ihulog basta hindi bababa sa 50 pesos. Maaaring P150 o P250 araw-araw ang ihulog mo sa buong taon basta ang challenge dito ay ang hindi paghinto sa paghuhulog at hindi pagbasag o pagsira ng iyong alkansiya. Exciting, di ba? Actually, ang challenge dito, kadalasan, ay hindi sa determinasyong makaipon kundi sa disiplinang huwag basagin, buksan o sirain ang coinbank. Narito ang ilang tips para maiwasan ang tukso sa pagbasag ng alkansiya:

  • Gumamit ng matibay at mahirap siraing alkansiya.
  • Maghanap ng coinbank na hindi madaling buksan (o iyung talagang hindi nabubuksan)
  • Subukang lagyan ng kandado o padlock ang alkansiya at itago ang susi nito sa lugar na hindi madaling mapuntahan o maabot. Pero, huwag mong kakalimutan kung saan mo ito itinago ha.
  • Mag-print ka ng isang larawan o salita na gustong-gusto mong bilhin o paggamitan ng maiipon mo sa alkansiya mo. Iditit ito sa palibot ng coinbank. Siguraduhing makulay o malalaki ang letra ng printout mo. Isa itong epektibong paraan para paalalahanan ka na dapat magpatuloy sa ipon challenge para matupad ito.
  • Ipatago ang alkansiya sa taong mapapagkatiwalaan mo o sa taong masinop at magaling magtago. Kunin lamang ito sa tuwing ikaw ay maghuhulog ng hindi bababa sa P50 o kapag ito ay puno na at hindi na mahulugan pa ng pera.

O, excited ka na ba sa pagharap mo sa ipon challenge? Mas mae-excite ka sa rebelasyong ito: Alam mo bang kapag dinire-diretso mo ang paghuhulog sa alkansiya mo ng hindi bababa sa P50 sa loob ng isang taon ay maaari kang makaipon ng hanggang P90,000 o higit pa? Isa itong napakagaling na paraan para makaipon ng malaking pera. Kung pinangarap mong makahawak ng ganitong kalaking halaga pero pinanghihinaan ka ng loob at feeling mo ay imposible dahil maliit lang ang suwendo mo, lagi mong tandaan ang ipon challenge na ito.

Sa P50 (or more) a day mo na inihuhulog sa alkansiya, walang imposible. Basta tandaan mo lang ang mga nabanggit na tips upang hindi matukso sa pagbabasag o pagbubukas ng coinbank ng wala sa oras. Kailangan lang ng matinding disiplina sa sarili at determinsasyong makaipon para maisakatuparan mo ang kagustuhang makapag-ipon para sa kinabukasan. O, ano pang hinihintay mo? Harapin na ang hamon naming Ipon Challenge at tingnan kung magano aabutin ang maiipon mo sa alkansiya sa loob ng isang taon. Tandaan, wala kang mararating o maaabot kung wala ka ring uumpisahan. Game!

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ipon Challenge: Paano mag-ipon sa Alkansya nang hindi ito Binabasag, Binubuksan o Sinisira
1 (20%) 1 vote