Negosyong Pambahay: Mga Helpful Tips

Inip na inip ka na ba sa bahay? Mag-negosyo ka! Maraming negosyong pambahay kang madidiskubre online at sa mga kakilala at kaibigan mong mahilig ding mag-negosyo. Kung wala kang idea kahit isa, don’t worry. Tutulungan ka naming ng mga puwede mong pagkakitaan nang hindi na kailangan pang lumabas ng bahay araw-araw. Kadalasan, ang mga nakakaisip at nagnanais magnegosyo sa bahay ay iyung mga housewife, mga dating empleyadong pagod nang pumasok sa opisina, at mga retiradong indibidwal.

Negosyong pambahay na papatok sa’yo

Ngayong panahon ng teknolohiya isa sa mga tiyak na kikitang negosyong pambahay ay sa pamamagitan ng interent. Napakalaki ng benepisyo nito kung ikukumpara mo sa tradisyonal na negosyo. Kung may computer, cellphone o tablet ka at may magandang Internet connection sa bahay mo, maaari ka nang mag-negosyo. Hindi mo na kailangan pang mag-hire ng mga tao para mapatakbo ang negosyong pambahay mo. Ang kagandahan pa ng Internet-based o online business ay maaari itong tumakbo ng 24/7 kahit na tulog ka o nasa malayong lugar para magbakasyon. Hinding-hindi mo magagawa o mai-enjoy ang ganitong pribilehiyo kung magta-traditional business ka.

Narito ang ilang mga negosyong pambahay na ‘in’ ngayon. Tiyak na kahit isa lang ay may mapipili ka sa mga ito:

  • Online shop o selling – Hindi kailangan ng malalking halaga bilang puhunan para sa online business na ito. Computer, internet connection, at mga supplier ng produkto lang ang kailangan mo para mapatakbo ang negosyo mo online. Humanap ka rin ng business partner mo para sa abot-kayang halagang payment option para hindi na rin kailangan lumabas ng customers mo para magbayad. Importante ito para mag-reach out ka sa mga customers na gustong tangkilikin ang negsyo mo pero wala silang bank account o wala silang pagkakataong pumila sa banko para bayaran ang produkto o serbisyo mo.
  • Sari-sari store – Kung may sapat na ipon ka at sa iyong palagay ay may kakayahan kang makapagpatayo o makapagpatakbo ng maliit na tindahan, swak na swak na negosyong pambahay ang sari-sari store. Napakagandang oportunidad ang pagkakaroon ng ganitong pagkakakaitaan sa bahay. Sa katunayan, puwede kang kumita araw-araw ng P3,000 hanggang P20,000. Basta dapat lang, ma-diskarte at pursigido ka. Malay mo, ang inumpisahan mong maliit na tindahan ay magiging isang malaking grocery na na kikita ng milyon-milyon.
  • Maging isang virtual assistant – Ito ang isa sa mga pinaka-sikat na online job sa Pilipinas ngayon. Karamihan sa mga naggive-up ng kanilang day job ay sumusubok na maging virtual assistant. Maraming mga kumpanya abroad ang mas gusto ang mga Pilipino bilang assistant nila. Likas kasing masipag, mahusay sa English, maaasahan at masipag ang mga Pinoy kaya naman mas dumarami pa ang nagtitiwala sa kanila mula sa ibang bansa. Ang karaniwang kinikita ng isang virtual assistant ay umaabot sao $3 hanggang $5 kada oras o P20,000 hanggang P40,000 buwan-buwan.
  • Maging authorized agent ng isang payment center o pera padala – Bukod sa additional income, mas madadagdagan pa ang mga loyal customers mo dahil magiging ka-business partner mo ang isa sa mga pinakakilalang ahensiya o pawnshop sa bansa.

Mga benepisyo ng pagnenegosyo sa bahay

Kung nagda-dalawang-isip ka pa sa pagne-negosyo sa bahay, isipin mo lanang ang mga benepisyong makukuha mo rito. Kung alam mo ang mga mabubuting bagay na maidudulot ng pagnenegosyo sa bahay, madali ka nang makapagde-desisyong sumubok na rito. Narito ang ilang mga benepisyong dulot ng negosyong pambahay:

  • Mababa hanggang sa halos walang puhunan – Hindi mo naman kailangan ng hundreds of thousand o milyones para makapag-negosyo sa bahay. Minsan nga talent and skills lang, makakpag-umpisa ka na sa negosyong pambahay mo. Ang pinaka-investment lamang kadalasan sa online business ay smartphone, tablet o computer, at mabilis na Internet connection.
  • Kaunti o halos walang overhead – Kung sa bahay lang ang negosyo, hindi kailangan ng hiwalay na opisina. Ibig sabihin, hindi na kailangan pang magbayad ng hiwalay no kuryente, tubig at internet connection. Hindi mo rin kailangan ng empleyado na papasuwelduhim mo pa dahil tiyak na kayang-kaya mo nang gawin ang negosyo sa bahay.
  • May quality time pa rin sa pamilya – ang pagnenegosyo sa bahay ay magbibigay pa ng oportunidad para sa mga magulang na magkaroon pa ng quality time sa kanilang pamilya. Kung ikaw ay pamilyadong tao na, alam mo kung gaano kahalaga ito. Wala kang mamimiss na special occasion pag nasa bahay lang ang negosyo mo. Maging ang mga anak mong medyo Malaki na ay maaari pang tumulong sa iyo pag sobrang abala ka na.
  • Walang boss na magpapagalit sa iyo – ‘You are your own boss,’ ika nga. Bagama’t mahirap at very challenging, mas mainam na ikaw nalang ang sisita sa iyong sarili pag may maling nangyari sa iyong negosyo. Sa mga maling desisyon, walang ibang taong maninisi o magagalit sa iyo kungdi ang sarili mo lang.
  • Flexible time – Dahil nasa bahay ka lang, mas makakapag-umpisa ka sa oras na gusto mo. Kung may kailangang lakarin para sa pamilya o ano mang bagay, puwede mong ipagpaliban ang oras ng trabaho sa bahay, at i-adjust na lamang sa hapon o gabi ang oras ng tapos.

Hindi naman ibig sabihin nito ay maging masyado nang kampante at hihintayin mo na lamang ang pagpasok ng pera sa iyo nang wala ka namang ginagawa. Oo nga’t wala kang boss at wala ring oras na kailangan mong mag-time-in at out. Pero kailangang disiplinado ka pa rin sa sari dahil ang pagnenegosyo, sa bahay man iyan o sa opisina, ay nangangailangan ng sapat na oras at atension. Maraming puwedeng makahatak sa iyo pababa sa negosyong pambahay. Narito ang ilan:

Dahil accessible ang kama at kuwarto mo, Malaki ang tsansang imbes magtrabaho matulog na lamang muna.
Maaaring makaantala sa dapat gawin ang paborito mong TV show.
Dahil alam mong ikaw lang ang boss sa sarili mong negosyo, may mga pagkakataong iisipin mong mag-umpisa sa oras na gusto mo sa halip na sa oras na kailangan mo nang umpisahan ang trabaho.

Maari mo namang kontrahin ang ganitong mga disadvantages sa pamamagitan ng:

  • Pagse-set up ng isang maliit na opisina sa loob ng bahay mo. Hindi mo kailangang magpagawa ng isang opisina o gumamit ng kuwarto kung wala nang extra sa bahay mo. Ang isang corner o sulok na tahimik ay maaari mo nang lagyan ng mesa at upuan kung saan ka maaaring magtrabaho. Kung maaari, ang corner na ito ay malayo sa kama, sofa, kuwarto at TV.
  • Hindi paglalagay ng TV sa home office o malapit sa pinagtatrabahuhan mo. Sa ganitong paraan, mas makaka-focus ka sa iyong mga Gawain. Kung naiinip ka o nalulungkot sa pagtatrabaho dahil sa sobrang katahimikan, maaari kang magpatugtog na may mahinang volume lang para hindi ka naman ma-distract.
  • Pagkakaroon ng mentalidad na ikaw ay nag-oopisina pa rin kaya hindi ka dapat lalagpas sa alas-8 o alas-9 sa pag-uumpisa ng trabaho.

Ang negosyong pambahay ay depende pa rin sa iyo kung ito ay mapagtatagumpayan mo o hindi. Dapat lang ay determinado kang gawin ito. Dapat ding nakalaan dito ang iyong puso at atensiyon para maisagawa mo ng tama ang lahat ng dapat gawin para mapaunlad mo ito.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Negosyong Pambahay: Mga Helpful Tips
5 (100%) 1 vote