Negosyong Swak na Swak: Mga Tips na Tunay na Epektib

Pagod ka na ba sa pagko-commute araw-araw para pumasok sa trabaho?

Naghahanap ka ba ng mapagkakakitaan? Extra income man iyan, pangmatagalan o seryosohang negosyo, tiyak na negosyong swak na swak ang hanap mo. Hindi naman kinakailangan ng malaking kapital para makapagsimula ka ng patok na negosyo. Nasa abilidad at determinasyon iyan. Kung pursigido kang magkapera at yumaman, kahit sa maliit na halaga lang na panimula, siguradong aangat ka. I-push mo lang iyan! Maraming mga options na puwede mong pagpilian pagdating sa bubuksang negosyo. Kailangan lang, alam mo kung ano ang posibleng kikita sa katatayuan ng papasukin mong kabuhayan. Alam mo rin dapat kung sino ang magiging audience o customer mo sa itatayong negosyo.

Sa artikulong ito, bibigyan ka namin ng mga epektibong tips para maging swak na swak ang negosyo mo. Magkakaroon ka ng mga brilliant ideas kung anong mga serbisyo o produkto ang maaari mong pagkakaitaan. Maging ang puhunang pasok sa budget mo ay matutuklasan mo rin dito. Kung marami ka pang mga agam-agam, pag-aalinlangan at tanong tungkol sa pagnenegosyo, okay lang iyan. Pero sa ngayon, isantabi mo muna ang mga nakakapagpabagabag sa iyo. Read on at tiyak na makakatulong kami para maumpisahan mo na ang matagal mo nang pinapangara at pinaplanong negosyo.

Mga dapat alamin bago umpisahan ang negosyong swak na swak

Hindi lahat ng negosyo ay para sa iyo. Ang ibig sabihin, hindi dahil naging negosyong swak na swak sa kaibigan o kakilala mo ang isang produkto o serbisyo ay magiging patok na rin ito sa iyo. Katulad ng nabanggit, importanteng alam mo kung tatanggapin ba ng target audience o customer mo ang bubuksan mong negosyo. Narito ang ilang tips para maiwan ang pagkalugi:

  • I-try mo muna. Bago ka pa man mag-umpisa, subukan mo muna. Importanteng malaman mo muna ang proseso ng negosyong bubuksan mo. Matutong mag-experiment o i-experience ang actual business. Kung kinakailangan mong magtrabaho nang libre kahit sa maikling panahon lang, gawin mo. Halimbawa, plano mong magbukas ng bar pero hindi ka naman marunong mag-mix ng drinks. Maghanap ng taong puwedeng magturo sa iyo, mag-research, o kaya naman ay umattend ng short courses sa bartending.
  • Maghanap ka ng taong magtuturo sa iyo o iyung tatawagin mong mentor. Kung wala ka talagang kaalam-alam sa negosyong papasukin mo at hindi ka rin makahanap ng puwede mong pag-praktisan, kumonsulta ka sa isang business owner na kilalang matagumpay na sa industriyang balak mo ring pasukin. Diskubrehin mo kung paano siya nag-succeed at kung ano ang mga ginawa niya noong siya ay nagsisimula pa. Hingi ka na rin ng advice o tips para sa negosyong swak na swak.
  • Siguraduhing ito ang gusto mong negosyo at masaya ka rito. Kung gusto mo lang sumubok sa isang negosyo dahil ito ang uso at nakita mo sa iba na kumita ito, mag-isip-isip ka. Maaaring hindi pa ito ang para sa iyo. Huwag mong lokohin ang iyong sarili na ito ang makapagpapasaya sa iyo dahil napasaya na ng business na ito ang ibang tao. Kung nae-enjoy mo ang mga ginagawa sa proseso ng negyosyong napili mo at alam mong may skills ka na maaaring gamitin o pag-aralan para rito, then, go for it. Move on ka na sa next step.
  • Siguraduhing ang pagiging handa sa sa negosyong hahawakan. Willing ka bang gawin ang lahat sa kahit na anong oras at lugar basta sa negosyo? Isa san mga preparations na maari mong gawin ang pag-attend ng seminars, pakikihalobilo sa iba’t-ibang klase ng tao, at pagkasanay sa mga pagkakataong ikaw ay uumagahin dahil sa negosyo. Pag-isipang mabuti ang posibleng epekto sa iyo ng iyong negosyo at kung sa palagay mo ay kaya mo, then, you are more than ready!
  • Alamin kung magkao ang kikitain mo sa negosyong bubuksan. Napakahalaga nito sa iyo dahil ito ang magiging basehan mo kung swak na swak nga ang negosyo mo. Dapat, sa pagpaplano pa lang, may projected income ka na. Mas mae-engganyo ka kasing ipagpatuloy ang negasyo kung may idea ka na kung magkano ang posibleng kikitain mo.

Mga negosyong swak na swak

Dito sa Pilipinas, napakaraming negosyong swak na swak ang puwede mong pagpilian. Katulad nga ng nabanggit, hindi naman kailangan ng malaking halaga bilang puhunan. Minsan nga hindi naman pera ang kailangan para makag-umpisa. Marami sa mga Pinoy ngayon na talent at abilidad ang pinuhunan para magkaroon ng negosyong swak na swak. Kung minsan nga pati ang mga estudyante ay nakakaisip ding mag-negosyo sa pamamagitan ng kanilang skills. Narito ang ilan sa mga maari mong pagkakitaan:

Kung ikaw ay estudyante, Top 3 picks para sa negosyong swak na swak ang:

  • Blogging – napakaraming magagandang oportunidad ang madidiskubre mo sa pagiging blogger. Ang kagandahan nito, may laya kang makapili ng paksa at tema ng isusulat mo at your own pace and time.
  • Tutorial – Kung ikaw ay consistent honor student sa school, mas exciting kung gagamitin mo ito para kumita—pero sa tamang paraan lang ha. Maging tutor ng mga bata o kapwa mo sa estudyante na nangangailangan ng galling mo sa subjects kung saan sila mahina tulad ng Math, History, Science at English.
  • Maging isang YouTuber o YouTube Personality – Ang YouTube ay napakagandang platform upang ikaw ay makapagnegosyo. Puwede kang kumita through ads o bilang isang brand endorser o influencer. Kung mahilig kang mag-YouTube, tiyak na alam mo ang sistemang ito.

Ang pagkain ang isa sa mga negosyong swak na swak at tiyak na kikita. Narito ang ilan sa mga maaring subukan:

  • Coffee Shop – Ito ang isa sa most wanted businesses ng mga gusting mag-negosyo. Pag-aralan mo ang sikreto sa paggawa ng masarap na frappe, smoothie, espresso at iba pang mga inumin. Hindi ba’t ang mga itoang madalas orderin sa mga sikat na coffee shops sa bansa ngayon. Baka nga paborito mo rin ang isa sa mga ito eh. Tandaan lang na bago buksan ang ganitong negosyo ay makahanap ka ng magandang lokasyon na tatayuan ng coffee shop mo; kumpleto ka sa tools and equipment para mapatakbo ng maayos ang negosyo; mayroon ka nang na-hire na barista; may mga recipe at sapat na kape at ingredients para sa io-offer mong inuming; may attractive branding ka; at kaengga-engganyo rin ang design ng iyong café.
  • Siomai food cart – Kung ikukumpara sa coffee shop, mas mababang halaga lang ang investment sa negosyong swak na swak na ito. Ang kainaman sa siomai, napakaraming paraan para mai-serve mo ito. Puwede mo itong i-serve ng fried o steamed. Puwede ring may toyo at calamansi, toyo lang o chili sauce. Puwede ring kainin ito ng may kanin, o purong siomai lang. Negosyong patok ang siomai rice ngayon, remember? Best option ito lalo na kung ang pagtatayuan mo ng food cart o siomai stand mo ay malapit sa school. Swak na swak ito sa mga estudyente!

Ilan lamang ito sa mga negosyong swak na swak na maaaring pagtagumpayan mo. Marami pa iyan. May cellphone load, piso net, internet shop, computer shop at printing services din na puwede mong subukan. Ano man ang mapili mo, tiyak na papatok kung ibubuhos mo, hindi lang ang perang pampuhunan dito. Dapat din ay ibigay mo ng todo ang puso mo para sa negosyong papasukin mo.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Negosyong Swak na Swak: Mga Tips na Tunay na Epektib
1 (20%) 1 vote