Pautang ATM Collateral – Nasubukan Mo na Ba Ito?

Nasubukan mo na bang umutang na ATM card ang hininging collateral sa iyo? Marami nang mga indibidwal at kumpanyang ganito ang ginagawa. Para sa nakararami, mas mainam na ang ganitong requirement kaysa sa mga mas komplikado pang dokumento gaya ng OR-Cr ng sasakyan, titulo, payslip at ITR. Kung hindi ka pa nakakaranas ng ganitong klase ng pangungutang, importanteng malaman mo muna ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa Pautang ATM Collateral. Ang ganitong gawi ay tinatawag ding ‘sangla ATM’ kung saan, isisinusurender ng isang taong umuutang ang kaniyang active o payroll ATM sa tao o kumpanyang inuutangan niya.

Ano nga ba ang sistema sa pautang ATM collateral?

Bagama’t pinag-aaralan at ginagawan ng paraan ng pamahalaan ang pagbabawal at pagbuwag sa mga pautang ATM collateral, maraming mga Pilipino ang pumapatol sa sistema ng pautang na ito. Sa katunayan, base sa isang pag-aral, halos 50 porsiyento ng mga Pinoy ang umuutang gamit ang kanilang ATM card bilang collateral. Kung hindi ka pa nakaksubok sa ganitong sistema, ganito ang pamamaraan ng ‘sangla ATM’: Ikaw ay mag-aaply ng loan sa isang kumpanya, o makikiusap humiram ng pera sa isang indibidwal. Kadalasan, importmal ang gagawing initial interview sa iyo lalo na kung tao lamang at hindi kumpanya o organisasyon ang inuutangan. Narito ang ilang mga impormasyong itatanong sa iyo:

  1. Kakilanlan o proof of identification
  2. Tirahan o proof of billing at contact numbers
  3. Kasiguraduhang may trabaho ka at may pumapasok na sahod kada 2 linggo o buwan-buwan
  4. Active Atm card (kasama ang PIN)

Kapag naberipika na ng nagpapautang na tama ang lahat ng impormasyong ibinahagi mo at ikaw ay may active ATM card at regular itong nakakatanggap ng sahod, agaran nang inaaprubahan ang iyong loan. Maaaring ma-grant ang halaga ng inuutang mo. Kung minsan naman, lalo na’t first time mong gawin ito, ikaw ay mapapahiram lamang ng perang hindi tataas sa P5,000.

Marami ang umaaray sa ganitong klaseng pautang dahil sa laki ng interest na ipinapatong dito. Kadalasan, umaabot sa 10% ang buwanang interes na kailangang bayan ng isang tao sa pautang ATM collateral. Ang sistema: Hindi mo mahahawakan ang ATM card mo hangga’t hindi pa tapos mabayaran ang utang mo. Iyan ang dahilan kung bakit kailangan mong ibigay ang PIN mo sa inuutangan mo. SIya ang magwi-withdraw ng halaga ng dapat mong bayaran sa napag-usapang due date. Kung ano man ang matira o tinatawag na ‘sukli’ sa napag-withdrawan, iyon ang ibibigay sa iyo ng cash.

Delikado ang pautang atm lalo na sa mga taong umuutang. Bakit? Kasi, ibabahagi mo ang isang napaka-importante at confidential na impormasyon tungkol sa iyo. Kung tutuusin, ang PIN ay hindi dapat ibinabahagi. Ito ay isang personal na numerong ikaw lang dapat ang nakakaalam dahil ito ang access mo sa kung ano mang halaga ng pera mayroon ka sa bangko. Ngunit kahit na delikado, katulad ng nabanggit, marami pa rin ang pumapatol sa sistemang ito dahil sa hirap ng buhay ngayon.

Bakit marami ang umuutang gamit ang ganitong sistema?

Gaya ng nabanggit, napakahirap ng buhay ngayon. Wala na nga yatang tao sa mundo, partikular na sa ating bansa, ang walang utang. Narito ang ilan sa mga kadahilanan kung bakit madalas ay pinapatulan natin ang pautang ATM collateral:

  • Maliit o kulang ang sinusuweldo buwan-buwan
  • Maraming responsibilidad sa pamilya o buhay
  • Ipambabayad din sa marami pang utang
  • Isa sa pinakamadaling paraan ng pag-utang
  • Hindi na kailangan pa ng ibang dokumento o requirement

Kadalasan, ang mga taong nakikpag-deal sa mga pautang ATM collateral iyung mga nasa rank-and-file position lang sa kanilang trabaho at iyung nga tinatawa na minimum wage earners. Ilan sa kanila ang mga sumusunod:

  • Teacher
  • Secretary o clerk
  • Security guard
  • Office staff
  • Janitor/janitress
  • Government and private employees

Isa ka ba sa mga naturang empleyadong nangangailangan ng ekstrang pera at nakakaisip nang pumunta sa mga sanglaan ng atm? Kung tutuusin, hindi naman masamang umutang basta ba’t tutupad ka sa napag-usapang paraan at panahon ng pagbabayad. Nakakabahala man pagdating sa seguridad, hindi rin naman maituturing na krimen kung isasangla mo ang ATM mo lalo na’t ito lamang ang paraan para makahiram ka ng pera sa lalong madaling panaho at wala kang mga dokumenton na karaniwang hinihingi sa mga traditional lending firms. Dapat lang ay alam mo ang mga posibleng kahihinatnan ng pagpatol mo sa pautang ATM collateral. Dapat din ay handa ka.

Mga pag-iingat na dapat gawin

Ang pautang ATM collateral ay laganap na sa ating bansa. Bagama’t hindi ito nirerekomenda ng ating pamahalaan, marami pa rin ang sumusubok nito dahil na rin sa dali ng proseso at pag-release ng pera. Kailangan lang ng masusing pag-iingat, kung balak mo ring subukan ito. Narito ang ilang mga maaring gawin:

  1. Hanggat maaari, umutang lang mang sa tao, kumpanya o organisasyong kakilala at mapapagkatiwalaan ng iyong ATM card.
  2. Magsagawa ng sarili mong research tungkol sa sanglaan ng ATM na lalapitan mo. Ang lagay eh, sila lang ba ang dapat mag-background check sa iyo? Dapat ikaw din! Lalo pa’t ang karaniwang tawag sa ganitong klase ng mga nagpapautang ay ‘loan shark’ dahil sa laki ng interes na ipinapatong nila.
  3. Kung kinakailangan, sumama ka sa pagwi-withdraw sa ATM mo upang makasigurong ang nakatakdang halaga lang ang kukunin sa account mo. Dapat din alam mo kung magkano ang inaasahan mong papasok buwan-buwan o kada 2 linggo para mas makasiguro ka sa halagang kinakaltas sa iyo.
  4. Dapat ay payroll ATM lamang ang isumite mo at iyung siguradong eksakto o sobra lang ng kaunti ang pumapasok sa account mo.
  5. Pagkatapos ng huling kaltas at naibalik na ang ATM mo, magpalit ng PIN. At kung may online banking ka kung saan naka-link ang ATM card na iyon, magpalit ka rin ng password. Ito ay para makaiwas sa posibilidad ng pagnanakaw ng identity mo para magamit sa mga online transactions.

Ang pangungutan ay normal na lamang sa ating mga Pilipino, maging sa mga ibang lahi. Kung tutuusin, hindi naman ito masama lalo na kung magbabayad ng man ng regular at tama sa oras. Napapasama lamang kadalasan ang paghiram ng pera kapag ito ay hindi mo na mapanindigang bayaran. Maging ang mga pautang ATM collateral, kung tutuusin ay tanggap naman na ng lipunan sa kabila ng pagtutol ng gobyerno. Hindi naman din makakisip ang mga tao, grupo o kumpanyang may ganitong negosyo kung walang pumapayag na isangla ang kanilang ATM card. Kaya naman kung is aka sa mga taong nagsangla na ng ATM card o susubok uli dito, mag-isip-isip ka kung ito ba ay makabubuti sa iyo o mas ilulubog ka pa sa utang.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Pautang ATM Collateral – Nasubukan Mo na Ba Ito?
2 (40%) 1 vote